Konsehal na Pusher, Arestado

ISANG KONSEHAL na umeekstra sa pagbebenta ng Shabu ang natimbog ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Davao del Norte kamakailan.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang nahuling salarin na si Romulo Esmino, Jr., 36 anyos, isang konsehal at negosyante ng Purok 6, Brgy. Poblacion, Dujali, Davao del Norte.

Si Esmino ay pangatlo sa pagiging konsehal ng Dujali, Davao del Norte.

Ang salarin ay nahulihan ng sachet ng Shabu habang ibinebenta sa isang poseur buyer ng PDEA sa naturang lugar.

Samantala, sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002 ang nasakoteng konsehal.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.