Konsehal na Nangangampanya, Patay sa Heat Stroke

PATAY ANG isang incumbent councilor matapos ma-heat stroke sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Rafael Legazpi Sr.

Base sa impormasyon, nangangampanya ang biktima nang bigla itong makaramdam ng pananakit ng ulo at hirap sa paghinga kaya’t nagdesisyon na umuwi na lamang sa kanilang tahanan upang makapagpahinga.

Ngunit pagdating ng bahay ay nagsuka ito ng dugo na agad itinakbo sa pagamutan ngunit binawian na rin ng buhay.

Nauna rito ay nanilbihan din si Legazpi bilang pangulo ng liga ng mga barangay ng lima at kalahating taon.

Dahil sa nasabing pangyayari muling nagpaalala ang mga kinauukulan na kapag nakaranas mga sintomas ng heat stroke tulad ng panghihina, pananakit ng ulo, pagpapawis at pagsusuka ay agad kumunsulta sa doktor.

Samantala, nito lamang nakalipas na mga linggo, isa ring tumatakbong mayor sa Sorsogon ang namatay dahil din sa heatstroke.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.