Konsehal at mga Anak na Sangkot sa Pamamaril, Kinasuhan Na

SINAMPAHAN NA ng mga kaso ang konsehal na itinuturong namaril nang may maganap na rambulan sa Malabon City nitong nakalipas na Enero 31.

Bukod kay Konsehal Dado Cunanan ng District 2 ng lungsod, nahaharap din sa kasong Attempted Murder, Slight Physical Injuries at Grave Threats in Relation to Child Abuse ang mga anak na si Ryan at Rom at isang Ferdinand Joronillo, pawang ng Pineapple St., Potrero ng lungsod.

Lumalabas na noong Enero 31, 2012, alas-2:30 ng umaga, naglalakad sina Melvin Andaca, kapatid na si Ian at pinsan na si Mark sa Pineapple St., nang may bumato ng bote.

Tinamaan si Melvin na naging dahilan upang habulin hanggang sa makarating malapit sa bahay ng mga Cunanan.

Dahil sa ingay ay lumabas si Cunanan at iba pang kinasuhan na may dalang mga baril at pinaputukan umano ni Konsehal sina Andaca at tinamaan sa kanang paa si Ian.

Nilapitan ng mga Cunanan sina Andaca at sa takot ni Mark ay tinangkang tumakbo subalit tinaga ni Joronillo na tinamaan sa kanang braso.

Nang makita ni Sherlyn, 16, kapatid Mark ang pangyayari ay agad na lumapit upang saklolohan ang kuya subalit tinutukan umano ng baril ni Konsehal.

Matapos ang insidente ay pumasok na sa bahay ang mga Cunanan habang dinala naman ang magpinsan sa ospital at ginamot.

Dahil sa pangambang maluto ang kaso sa Malabon City Police, kung saan konsehal si Cunanan ay sa Criminal Investigation and Detection Group nagreklamo sina Andaca at kamakalawa ay isinampa na sa piskalya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.