Kongreso, Stampad ng Palasyo – Cong. Tiangco

MISTULANG STAMPAD na ng Malacañang ang Mababang Kapulungan dahil nagiging sunud-sunuran na lang ang Kongreso sa ninanais ng Palasyo.

Ito ang laman ng privilege speech kahapon ni Navotas Congressman Toby Tiangco, kaugnay sa pagpasa ng Kongreso sa impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Tiangco, nauna nang nangyari ang pagiging stampad ng Kongreso nang mabilisang ipasa nito ang national budget nang naayon sa kagustuhan ng Palasyo. At ngayon nga, kung saan sa pagpasa ng impeachment complaint laban kay Corona, hindi sila binigyan ng pagkakataong magtanong. Oo at hindi lang ang maaari nilang isagot sa pagpasa ng naturang complaint.

Kaugnay nito, nagbitiw si Tiangco bilang miyembro ng mayorya at sa kanyang komite sa Kongreso. Aniya, hindi niya maatim na sinisira ang institusyon ng Kongreso sa padalus-dalus at hindi dumaan sa due process na desisyon, tulad ng nangyari sa pagpasa sa impeachment complaint.

Sinabi pa ni Tiangco na hindi siya pro-GMA. Sa katunayan, simula pa noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nasa oposisyon na ito. Alam din ni Tiangco na maaapektuhan ng desisyon niyang ito ang kanyang ‘pork barrel’ para sa mga kababayan, subalit hindi umano siya sasang-ayon sa desisyon na minadali at ni hindi siya nakahawak ng kopya. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Kongreso, Stampad ng Palasyo – Cong. Tiangco

  1. Kawawa ang Pinas, nagkaroon tayo ng dictador na presidente, imagine kung ano ang gusto niya dapat yoon ang masusunod, walang proceso,
    huwag nang umasa ang mga entries sa MMFF, sinabi na ni Kris aquino na si Ai Ai de las alas ang panalo, eh bulong lang sa kuya niyang abnoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.