Kongresista, Lost in Space

Windang ang mga miron pati na rin ang mga kasamahan niyang Kongresista sa ’tila madalas na ‘out of this world’ reactions at comments ng ating bidang kongresista. Kung may lost in space nga raw kasi sa Kamara, malamang, isa siya sa mga mangunguna.

Sa latest chikang nasagap ng ating Chikadorang Mahadera, madalas daw pagtawanan sa Kamara si Rep na lost in space. Para raw kasing wala itong kaalam-alam sa mga pasikot-sikot ng isinasagawang diskusyon at imbestigasyon ng mga kontrobersiyal pa manding isyung pinagdi-diskusyunan nila.

Hirit ng iba, kung kakaririn mo raw ang pagmamasid sa bawat hearing ng Kamara kung saan present siya, tiyak masa-sightsung mo ang mga miron at maging ang mga kasamahan din niyang kongresista na hindi mapigilan ang mapahagikhik o kaya ay tumawa.

Hindi raw naman sila laitero’t laitera. Kaya lang, hindi nila ma-getsung kung bakit laging wala sa konteksto ang mga comment ni Kongresista. Kaya naman, hihirit pa lang daw siya, eh, barado na agad kasi wala namang kwenta at out of context ang sinasabi niya.

Actually, madalas ay isyu ng legalidad ang pinupuntirya niya. Understandable naman ito kasi nga nag-aaral naman siya ng batas. So, dapat sana, swak na ang mga comments niya. Pero sa kung anong ikot ng roleta, sablay pa rin talaga siya.

Hay naku Rep na lost in space, magbago ka na habang bata ka pa. Sayang naman ang mga paborito mong Amerikana kung magiging katawa-tawa ka lang palagi sa mata ng madla at ng Kamara…. May ganung clue?!!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.