Tago: Kong: Hari ng Indecent Proposal

“Kalabaw lang ang tumatanda,” ‘yan yata ang motto ng ating bidang kongresista na kahit thunder (matanda) na, eh, may kahiligan pa rin sa mga batambata at naggagandahang chikas.

Sa latest chika ng ating makulit na Chikadora, laman daw ngayon ng biru-biruan ang isang pinagpipitaganang mambabatas of our dear Philippine Islands. Maugong daw ang chikang kumakalat tungkol sa umano’y pagkahilig nito sa mga batang anak ni Eba. Kasama na siyempre ang mga walang kalaban-laban niyang mga empleyada na ang naging kasalanan lang ay magtrabaho nang malinis para kumita.

Sabi ng makulit na bubwit, hindi pa raw kumukupas ang paggiging mahilig ni Kong. Kahit saan daw kasi ito pumunta, pasimple itong kumukublit ng puwet o kaya, eh, sumisimple ng kiskis sa likod ng trip niyang chikababe.

Pero may matindi-tindi pa raw itong habit. Akalain n’yo bang kinakarir din nito ang mga indecent proposals na ini-o-offer niya sa mga bagong empleyada ng kanyang opisina na type niyang matikman. Sabi ng mga miron, ang tiyaga raw ni Kong na mag-offer ng mataas na sahod at regularization para lang makuha ang kanyang pinagnanasaang katawan.

Pero dahil tao lang at obviously, hindi naman lahat, eh, nadaraan sa suhulan, nasopla ng isang chika itong si Kong na mahilig sa indecent proposal. Sa halip kasi na sunggaban ng type niyang chika ang kanyang offer, eh, ito ay tinanggihan.

Ang usap-usapan, na-hurt daw ang ego at pride ni Kong na mahilig sa indecent proposal, kaya hayun, sinibak sa trabaho ang babaeng wala namang kasalanan.

Tsk!  Para lang ‘yang sugal na ‘yung kinahihiligan, minsan, nagkukutsabaan ang mga puwersa para matalo ka naman.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.