Konduktor, Tinabas ang 2 Kainuman

AGAD NA isinugod sa San Jose del Monte District Hospital ang dalawang lalaki makaraang pagtatagain ng kani-lang kainuman sa Brgy, Fatima -1, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Jonathan Velasco Y Cordova, 44 anyos, bus conductor, tubong Ilocos Sur; samantalang ang mga biktima naman na nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang sina  Miguelito Sescon, 47 anyos, bus driver, at kaibigan nitong si Roy Vacasol, 34 anyos, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas- 12:10 ng hating gabi nang maganap ang insidente ng pananaga sa mga biktima gamit ang isang jungle bolo.

Nabatid na nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang mga biktima habang  nag-iinuman, na nauwi sa hindi pagkakaintindihan, at karakang inupakan ng taga sa leeg at mukha ang bus driver at kasama nito.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail habang inihahanda ang kasong Frustrated Homicide at Malicious Mischief.

(TONY DELA PEÑA)  

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.