Konduktor, patay sa mga holdaper sa Negros

ISANG KONDUKTOR NG bus ang patay makaraang saksakin ng apat na holdaper sa bayan ng Manapla sa Negros Occidental, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa dibdib ang biktima na kinilalang si Ricardo Despi, tubong-Sagay City at konduktor ng Ceres Liner Bus.

Nagmula sa Escalante City ang bus at patungo sanang Bacolod City nang maganap ang insidente sa Barangay Punta Mesa sa Manapla.

Ayon kay Insp. Julius Caesar Colado, hepe ng Manapla Police, P9,000 ang tinangay ng mga hindi nakilalang lalaki kay Despi.

Kinuha rin ng mga ito ang mga pera at kagamitan ng mga pasahero.

Armado aniya ang mga sa-larin ng isang revolver, sumpak at mga patalim. (EUNICE CALMA)

 

 

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.