Konduktor, Kritikal sa Holdaper

KRITIKAL ANG isang konduktor matapos barilin ng hindi pa kilalang lalaki na nangholdap sa loob ng pampasaherong bus sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa batok si Rodel Pamel, 34, ng Sta. Cruz, Zambales.

Inilarawan lang ang suspek na kulot at mahaba ang buhok at overall na asul ang suot.

Sa ulat, ala-1 ng umaga, sakay ng pampasaherong bus ng biktima ang suspek at pagsapit sa EDSA ng lungsod ay hinoldap ang biktima.

Nang hindi agad naibi-gay ng biktima ang pasadang P4,000 ay pinaputukan ng suspek.

Pagbagsak ay kinuha ng suspek ang pera ng biktima bago nagbanta na muling mamaril kapag hindi tumigil ang bus.

Napilitan ang driver na si Reynald Pecson, 34, na itigil ang bus na naging dahilan upang makababa at makatakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.