Komite na Tututok sa Isyu ng Sabah, Binuo

NAGTATAG ANG Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ng joint fact-finding committee kaugnay ng Sabah standoff.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, pag-aaralan ng komite ang mga batas na nilabag nina Sultan Jamalul Kiram III, kapatid nitong si Prince Rajah Mudah Agbimuddin Kiram at mga armadong tagasuporta nito.

Inaalam na rin aniya kung may kasabwat ang grupo sa pagtungo sa Lahad Datu, Sabah.

Sinabi ng kalihim na ipatatawag ng National Bureau of Investigation-Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (NBI-PNP-CIDG)-fact finding committee ang mga nabanggit na personalidad para pagpaliwanagin.

Samantala, kabilang sa mga pinag-aaralang isasampang kaso laban sa grupo ni Kiram ang inciting to war, illegal possesion of firearms, illegal assembly at iba pa.

Sa ngayon, tiniyak ni De Lima na airtight ang isasampa nilang mga kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.