KOMEDYANTE, NALULULONG SA DROGA?!

BLIND ITEM: NAKARATING sa amin ang usap-usapang sa isang sikat na komedyante, tungkol sa pagkakalulong nito diumano sa ipinagbabawal na gamot .

Sobrang nababahala ang pamilya ng komedyante. Pinag-uusapan na rin sa ngayon ang pagpapa-rehab sa kanya dahil naaalarma na ang kanyang pamilya.

Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi nito sinisipot ang kanyang mga importanteng showbiz commitment . Napag-alaman namin na tumigil na raw ito dati sa kanyang bisyo, ngunit muling bumalik daw ulit.

Sayang naman, dahil nasa rurok na ng tagumpay ang kanyang career.

BOSSING VIC SOTTO, APRUB SA AMA NI GWEN ZAMORA!

Nakausap namin ang ama ni Gwen Zamora na isang chef at makakasama na rin sa isang soap ng dalaga, ang tungkol sa  pagkaka-link ng dalaga kay Bossing Vic. Mas pabor daw itong maka-relasyon ng kanyang anak ang lalaking may edad na, dahil malawak na ang pag-iisip. Nasa young actress pa rin daw ang desisyon tungkol sa buhay pag-ibig nito, dahil may tiwala naman ang ama sa kanyang anak.

Naitanong din namin kay Gwen na kung nililigawan siya ni Vic Sotto. “Hindi pa,” ang naging sagot ng magandang young actress na dinugtungan lang nito ng “Nagte-text lang, paminsan-minsan.

Kung sakali mang ligawan ito may pag-asa ba? “Possible…” Dahil sa ngayon ay busy pa ang actress sa kanyang trabaho. Single si Gwen at hiwalay na kay Pia Guanio si Bossing Vic.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

2 thoughts on “KOMEDYANTE, NALULULONG SA DROGA?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.