Komedyana, nawalan ng pelikula dahil sa pagiging ganid sa datung?

BLIND ITEM: NANGHIHINAYANG ang isang indie film producer dahil hindi natuloy ang project nila ng isang sikat na komedyana. Why?

Na-turn off kasi ang naturang produ nang itinaas ng komedyana ang kanyang talent fee ng 100% pagkatapos nilang nakapag-usap at nagkasundo sa isang reasonable amount ng TF, one month ago.

Sa totoo lang, marami na nga ang nagsasabi na masyado nang malaki ang ulo ni komedyana kaya hindi na siya nakakatawa. Dumating na nga sa point na tinanggal na niya ang kanyang manager para siya na raw personally ang makipag-negotiate sa mga would-be producers niya at siyempre, para ma-solo na rin daw niya ang kanyang TF.

Ngayon, nawalan ng isang magandang project ang komedyana dahil sa pagiging ganid niya sa kadatungan.

Sabi nga ng isang malapit sa kanya na nagbigay na rin ng clue, “Hindi kasi siya nagsisimba kapag Linggo kaya nagiging suwapang na siya sa pera! Naku, kapag ako ang nakaaway niya, kahit tunog lalakI pa ang pangalan niya e, hindi ko talaga siya uurungan.” Getz?!

ISA SA MGA hot items ngayon sa entertainment scene ang pakikipag-kumprontasyon ni Robin Padilla sa boyfriend ni Queenie na si PJ Valerio sa kanilang bahay sa Times Street.

Si PJ ang co-host ni Kuya Germs sa Master Showman na nakilala ng dalaga ni Binoe sa isang event sa Watering Hole restobar near EDSA Shangri-La.

Actually, pareho lang silang guest sa naturang event dahil na-invite lang si Queenie ng kanyang pinsan na si Krista Solivan. Si PJ naman e, nandu’n dahil sa invitation ng kanyang friend na si Zara Aldana and from then on e, nagkaligawan na sila.

Down-to-earth daw si Queenie. May nakapagsabi pa nga sa amin na kapag nagde-date daw noon silang dalawa ni PJ e, nagta-taxi lang daw sila to think na anak siya ng isang sikat na action star.

Pero nang pinares na ng Dos si Queenie kay Ejay Falcon via Momay e, hindi na nagsalita si PJ tungkol sa kanilang relsyon. Minsan, tinanong namin si PJ kung sila pa rin ni Queenie at kung totoo ngang pinagalitan siya ni Robin, pero nakangiti lang siya at ayaw magsalita.

Gusto rin naming saluduhan si PJ dahil like a true gentleman e, ayaw niya talagang magsalita tungkol sa nangyari. Malaki rin ang kanyang respeto kay Robin bilang ama ni Queenie kaya tahimik lang siya sa isyu. Ayaw rin niyang makasira sa career ni Queenie kaya ayaw rin niyang aminin kung sila pa rin o hindi na dahil may nilulutong loveteam ang Channel 2 sa anak ni Robin.

Pero kung kami ang tatanungin, we believe na nagmamahalan pa rin silang dalawa but because of Robin and Queenie’s career, mas minabuti nilang maging private ang kanilang relasyon.

Hindi rin naman natin masisisi si Robin kung bakit ganu’n ang kanyang reaksiyon dahil sabi nga niya, isa siyang tatay kaya dapat e, intindihin na lang natin.

But come to think of it, PJ in real life and Ejay for reel, halos wala namang pinagkaiba, ‘di ba? Kaya siguro, puwede na rin ‘yon… he-he-he!

For reactions, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

9 thoughts on “Komedyana, nawalan ng pelikula dahil sa pagiging ganid sa datung?

  1. Pasingit po.
    Ref.: Vice Ganda : Days ago sa Showtime, lumabas natural ni Vice, sobrang binaboy niya Davao Crew sa score, dahil obviously, gusto niyang manalo Iloilo Crew (malaki lagay?). Imagine lahat 10, isa 9 score lahat and excellent comments ng lahat jurado except Vice, SHOCK LAHAT, binigyan niya ng 6 ang kawawang mga taga Davao pa naman. Too obvious, malaki lagay niya from Iloilo Dance Crew na puro kasi mga bakla din. What a bullshit judgement of Vice Ganda, masisira career mo pag hindi ka nagbago. Excellent dancers at professional Davao crew, bibigyan niya ng 6? gaguhan? ABS CBN management, wake up pls. Too OBVIOUS, BINABOY NI VICE SCORE.

  2. eugene domingo nga ito wal ng iba hahaha :D ganun tlg sikat na eh hay nagagawa nga nman ng pera noh sa mga tao

    • pangalang lalaki na lumaki ang ulo at tsinugi ng manager… hello… si Eugene Domingo po ito…

      si Aiai… obviously, Aileen ang pangalan and still being managed by Mr. Boy Abunda….

  3. Joey Sarmiento. I saw you sa news three weeks ago, 24 oras at Tv PAtrol World. Kapal naman ng mukha mong mang-blind item ng mga artista. balahura ka naman. hehehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.