Komedyana, nagkukulong dahil sa bulutong!

BLIND ITEM: KAYA pala nananahimik ang isang komedyana ay dahil nagkukulong lang ito sa kanyang bahay. ‘Yan ang inamin niya sa amin nu’ng i-text namin siya na ba’t nawawala siya?

At nu’ng sagutin niya kami, “Gusto mo bang maglalalabas habang ikaw ay may bulutong? Kung kelan naman ako tumanda, du’n ako binulutong, kalokah!

“Ang kati-kati nga, eh!” sey pa ng komedyana.

“Nako, sana, ‘yung pekp*k mo na lang ang makati para mapakamot mo na ‘yan!”

Hahaha! ‘Yun na!

‘Pag nahulaan n’yo kung sino ang komedyanang ito, win na win kayo!

MAY NAGTSIKA SA amin from the Congress na si Richard Gomez daw ay masyadong “hardworking” bilang Chief of Staff ni Congw. Lucy Torres-Gomez.

Sabi nga namin, natural eh asawa ni Goma si Ms. Lucy. Mas shocking siguro kung ibang congressmen ang pinaglilingkuran ni Goma, ‘di ba?

Saka preparation na rin ang “on-the-job training” ni Goma, dahil ang alam namin, siya ang tatakbo sa 2013 bilang congressman ng Ormoc. Ipapasa lang sa kanya ni Ms. Lucy.

And in fairness, kahit nasa PO5 si Ms. Lucy, “hardworking congressswoman” din naman ito. Napakabait at feeling namin, she will make a good senator in the future.

AND SPEAKING OF Richard Gomez, sinusundan din namin siya sa Twitter at naintriga kami sa kanyang tweet na: “To those waiting for me to give a review/critique on the movie Rosario…I decided not to anymore. Why? lets be positive for 2011. tnx guys!”

Malalim, ‘no?

BIRTHDAY KAHAPON NI Vhong Navarro, pero nakalimutan namin kung ilang taon na siya.

Sinorpresa si Vhong ng kanyang mga friends. Sosyal nga. Sa Bel-Air, Makati ginanap ang surprise birthday party na si Gelo Serrano (best friend niya) ang nag-organize.

Nandu’n ang kanyang dalawang binatilyong sina Bruno at Ice (anak niya kay Bianca Lapus).

Nandu’n din ang pamilya niya ng Showtime at ang kanyang sariling pamilya: si fadir, si stepmom at ang kapatid niya rito.

Bigla naming naalala nu’ng araw, takot na takot sa amin si Vhong. Nu’ng nagka-sitcom siya at nalaman niyang kasama kami, lalo siyang nalungkot.

Feeling niya kasi, ayaw namin sa kanya. Pero dahil ang prinsipyo namin sa buhay ay ‘pag umaarte kami, artista kami at hindi reporter, inilapit namin ang sarili kay Vhong.

Nagbukas ng loob si Vhong sa amin, naging honest at na-appreciate namin. Mula noon, hindi na asiwa ang kilos niya ‘pag kaharap kami at ngayon, magkumpare pa kami at super close.

Kaya mahal namin ang isa’t isa, promise. Sex na lang talaga ang kulang. Ha-ha-ha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “Komedyana, nagkukulong dahil sa bulutong!

Leave a Reply

Your email address will not be published.