Komedyana, Grabe ang Kuryente sa Katawan!

SINO ANG KOMEDYANANG ito na kaya walang boyfriend ay dahil aminado rin siyang kasalanan niya.

Alam n’yo kumbakit? Pa’no kasi, nu’ng nagka-boyfriend ang hitad, nu’ng nag-one-night daw sila ay hindi niya kinaya.
Ang buong akala namin, hindi niya kinaya, dahil “daks” o dahil sobrang “dyutay” ng notes o bangkay pagdating sa kama.
“Magaling naman siya. Napapasaya niya ‘ko. Ang hindi ko lang kaya eh ‘yung ginagawa niya. Pag hinahalikan na ‘ko sa binti, mamatay talaga ako, kuya. Promise.
“Mamamatay ako sa kiliti! Eh, dahil nga makilitiin ako, lalo pa ‘kong kinikiliti, kaya hindi ko namamalayan talaga, natatadyakan ko na pala siya.
“Nakakapanakit na ‘ko, kaya ayun, as of now, wala akong dyowa. Sobrang buong katawan ko yata, nakukuryente, lalo na binti. Dyusko po, ikamamatay ko talaga!”
Alam n’yo, true ang sinasabi niya, dahil pag nalilingat ang hitad, bigla naming hinahawakan sa legs at magkikikisay na parang mauubusan ng hininga!
Sabi ko sa potah, “Buti, hindi mo ‘ko tinatadyakan?”
“Nako, ‘no! Takot lang sa ‘yo, kuya!”
Hahahaha

(By Ogie Diaz)

loading...

8 thoughts on “Komedyana, Grabe ang Kuryente sa Katawan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.