Kolektor, Utas sa Kapitbahay

PATAY ANG isang kolektor matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay nang paalisin umano ng una ang anak ng huli sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Apolinario Villas, 31, ng Blk. 4, Kadima Letre, Tonsuya ng nasabing lungsod.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Aldrin “Popoy” Arandia, nasa hustong gulang, tubong Tacloban, Leyte at kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-5:30 ng hapon, nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ang insidente, nasa loob ng bahay ng biktima ang anak ng suspek at sinabihan nitong umuwi dahil may darating siyang bisita na nakarating naman sa suspek (ama ng bata).

Ikinagalit ng suspek ang tinuran ng biktima sa anak nito dahilan upang sugurin sa bahay na armado ng patalim saka pinagsasaksak si Villas saka tumakas.

Isinugod naman sa naturang pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.