Kolektor, Patay sa Riding-In-Tandem

HINDI NA umabot nang buhay sa pagamutan ang isang kolektor makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang suspek na mga nakasakay sa motorsiklo habang naglalakad sa Malabon City kahapon ng hapon.

Dalawang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang ikinamatay ng biktimang si Chillie Bautista, nasa hustong gulang, kolektor at residente ng Dela Peña St, Panghulo, ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon PNP at may hawak ng kaso, bandang alas-4:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Dela Peña St., Panghulo.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ng madaanan ito ng mga hindi nakikilalang salarin na pawang nakasakay sa motorsiklo at kaagad na binaril ang biktima na tinamaan sa dibdib na tumagos sa likurang bahagi ng katawan.

Dito ay duguang humandusay sa kalsada ang biktima na kaagad namang isinugod ng ilang residente ng nasabing lugar, kung saan ay idineklarang patay na bago sumapit sa Tondo Hospital, habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek.

Masusi pang iniimbestigahan ng nasabing himpilan ng pulisya ang nasabing insidente kung may kaugnayan sa kanyang trabaho o personal na atraso ang motibo ng pamamaril.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.