Kolektor na Ayaw Magpautang, Pinagnakawan na, Kinahoy pa sa Mukha

MATINDING PAMAMAGA ng mukha at ilang galos sa katawan ang sinapit ng isang kolektor ng pautang matapos pagnakawan ng lala-

king tinanggihan nitong pautangin sa Nabua. Camarines Sur.

Kinilala ang nasabing biktima na si Jose Clavillas, kolektor ng Bless Micro-finance.

Lulan umano ng kanyang motorsiklo si Clavillas nang harangin ng mga suspek na sina Jose Garcia at Francis Mabansay.

Sapilitan umanong kinuha ni Mabansay ang P20,000 na hawak ng biktima, ngunit nang tumanggi ito ay hinampas naman ng kapirasong kahoy ni Garcia daan upang mahulog ito sa motorsiklo.

Natangay ng mga salarin ang pera su-balit sa pagresponde ng mga kinauukulan ay nahuli naman si Garcia habang patuloy naman na pinagha-hanap si Mabansay.

Samantala, nabatid na nagawa ng mga ito ang krimen matapos hindi pumayag si Clavillas na pahiramin ng pera si Mabansay matapos hindi makapagbayad sa una nitong utang.

Sa ngayon, kasong Robbery with Frustrated Murder ang kakaharapin ng mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.