Kolektor, Itinumba

PATAY ANG isang kolektor matapos itong tambangan at pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang salarin habang ang una ay nakaangkas sa motorsiklo at mango-ngolekta kahapon ng umaga sa Malabon City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tatlong tama ng bala ng .45 kalibre na baril sa katawan ang biktimang si Allan Pabalan, nasa hustong gulang, ng Santo Rosario, Pampanga.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya sa agarang ikadarakip at pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga, angkas ang biktima ng motorsiklo (hindi nakuha ang plaka), para maningil sa Maya-Maya St., Brgy. Longos, Malabon City.

Pagsapit sa naturang lugar, nakaabang na ang suspek na armado ng baril saka tatlong beses na pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.