Kolehiyala, Pinilahan sa Bakanteng Kubo

PINILAHAN ANG isang 18-anyos na kolehiyala ng tatlong lalaki sa bakanteng kubo sa bahagi ng Butuan City, Agusan del Norte noong Biyernes ng gabi.

Humingi ng tulog sa himpilan ng pulisya ang halos hindi maka-gulapay na biktimang itinago sa pangalang Jessa, 3rd year college sa Saint Joseph Institute of Techology at residente sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur.

Nadakip naman ang tatlong salarin na sina Zcyl Jay Tecson, Jeron Paronda at si James Lesther Lagaret na pawang nakatira sa Purok 1A, Barangay Ampayon sa naturang lungsod.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na inimbitahan ang biktima ng kanyang kaibigang si Tecson na gumimik.

Nakipag-inuman naman kay Tecson at dalawa pa nitong kabarkada ang biktima kung saan ay nalango at nakatulog sa bakanteng kubo.

Samantala, nang makatulog na ang biktima ay pinasok ito ni Tecson kasunod ang dalawa pa nitong barkada at sinimulang gahasain.

Gumapang rin palabas ang dalaga at hu-mingi ng tulong sa kapit-bahay na sinamahan ang biktima sa mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.