Kolehiyala, minolestiya ng tomboy

NASA LOOB NGAYON ng piitan ang isang 23-anyos na T-bird matapos ireklamo ng mga magulang ng isang college student na umano’y kanyang minolestiya noong Linggo ng umaga sa Caloocan City.

Kasong Rape in Relation to 7610 (Child Abuse Law) ang isinampang asunto kay Marivic Bigtas, residente sa Block 8 Lot 12, Celina Homes, Camarin ng nasabing lungsod.

Batay sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Lordeth,” 17, kay PO2 Gigie N. De Jesus ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan City Police, bandang alas-2:00 ng hapon, tinawagan siya sa cellphone ng suspek at pinapunta sa kanilang bahay.

“Nanood lang po kami ng TV sa bahay ni Marivic, tapos nu’ng bandang alas-7:00 ng gabi, nagpunta po kami bahay ng kaibigan namin sa Commonwealth, Quezon City, nag-inuman.

Sabi ni Lordeth, bandang alas 11:00 ng gabi nang umuwi sila sa Camarin, Caloocan City at doon na rin siya (biktima) natulog.

“Nu’ng nasa kuwarto na po kami, hinubaran ako ni Marivic at doon na rin ako minolestiya.”

Kaagad na ipinalam ng biktima sa kanyang tatay ang ginawa sa kanya ni Marivic, kung kaya’t dagliang pumunta sa police station at ipinahuli ang tomboy.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.