Kolehiyala, Ginahasa’t Pinatay sa Bahay ng Tiyahin

KAMATAYAN ANG sinapit ng isang 19-anyos na kolehiyala matapos itong halayin at patayin pa sa loob ng bahay ng kaniyang sariling tiyahin sa Sitio Toloot, Brgy. Poblacion, Sibonga, Cebu kamakailan.

Base sa report ng Police Regional Office (PRO)7, kinilala ang  nasabing biktima na si Marygrace Superales, na may bakas pa ng kamay sa leeg na palantandaang sinakal ito ng suspek.

Bandang alas-10 ng umaga ng madiskubre  ang labi ng biktima na may malalim ring saksak sa leeg, nakatabon rito ang duguang kumot, wala ng suot na blouse at short at nakababa ang panty sa kaniyang mga paa.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang lala¬king kapit-bahay ng tiyahin ng biktima matapos itong hindi matagpuan sa lugar ilang oras bago nadiskubre ang pamamaslang.

Nabatid na ang biktima ay nanunuluyan sa kaniyang tiyahin dahilan malayo ang kanilang bahay sa bulubunduking Brgy. Basak mula sa pinapasukan nitong Sibonga Community College kung saan kumukuha ito ng kursong Education.

Nagkataon umanong naiwang mag-isa si Superales sa bahay ng tiyuhin at tiyahin nito ng pasukin, gahasain at patayin ito ng suspek kung saan magulung-magulo rin ang buong kabahayan na indikasyong nanlaban ang biktima.

Samantala, lumalabas sa  isinagawang pagsusuri ni Dr. Ernesto Sariego, Municipal Health Officer sa bangkay ng biktima ay nabatid na walong oras na itong patay ng ma-tagpuan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.