Kolehiyala, Binoga ng BF

ISANG MALAGIM na katapusan ang kinahantu-ngan ng dating masayang pagmamahalan ng magkasintahan sa San Pablo, Isabela.

Isang bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang dalaga matapos barilin ng kanyang nobyo sa Binuang, San Pablo ng nasabing lalawigan.

Nakilala ang biktima na si Cherry Anne Delgado, 19, 4th year college sa Isabela State University (ISU) Cabagan Campus.

Ang suspek naman ay ang kanyang nobyo na si Raffy Bali, residente ng Binuang ng naturang bayan.                                                                                                                   Matapos ang pagbaril sa kanyang kasintahan ay agad na tumakas si Bali at pinaghahanap pa rin ng mga kinauukulan.

Sinasabing ang dahilan ng pamamaslang ay may kaugnayan sa paghihiwalay ng dalawa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.