Kobe Paras, sa Amerika na mag-aaral

Kobe-ParasUMALIS NA pala nu’ng Linggo patungong Amerika si Kobe Paras para ituloy na ang pag-aaral niya sa Indiana.

Naku! Kung matutuloy ‘yan bongga talaga si Kobe at malaking karangalan sa bansa natin na meron nang Pinoy na NBA player. Sana nga matupad ito dahil matagal nang pangarap ‘yun ni Kobe.

Kasama ni Kobe ang stepmom niyang si Lyxene Paras at ang dalawa pa niyang kapatid kay Lyxene.

Naiwan pa si Benjie dahil may taping pa siya sa Got To Believe, at kasama pa niya kasi si Andre.

Pero sa Sabado ay susunod na si Benjie ng Amerika dahil doon sa Amerika sila magpa-Pasko.

Hindi naman sumama si Andre dahil mas pinili niyang sa lola niya sa Australia siya magpa-Pasko.

Feeling ko lang iniiwasan na lang ni Andre na ma-miss ang kapatid niya dahil siyempre magkasama sila palagi, tapos ngayon matagal silang hindi magsasama.

Gusto ni Kobe na roon sa pag-aaral siya magku-concentrate at training sa basketball. Kaya pansamantalang leave muna siya sa showbiz.

Ayaw naman ni Kobe na pag-usapan itong pag-aaral niya sa Amerika dahil iniiwasan na lang maging malaking isyu ito, at baka kung ano na naman ang sasabihin ni Jackie Forster.

Siguro mas mabuting magdasal na rin si Jackie na maging successful ang pag-aaral ng anak niya sa Amerika, alang-alang na lang sa anak niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Kobe Paras, sa Amerika na mag-aaral

Leave a Reply

Your email address will not be published.