Kobe Paras, inalok mag-aral sa training school ng NBA players

BONGGA ‘TONG mga anak ni Benjie Paras, ha!

Pagkatapos manalo ni Kobe Paras sa FIBA Slamdunk Competition sa Indonesia, may offer ito ngayon na mag-aral sa isang school sa Amerika na nagti-train ng mga NBA player.

Kobe-Paras Kobe-ParasNa-impress sila sa performance ni Kobe, ang galing nito sa paglaro kaya may potential talagang maging NBA player, ‘di ba? Bongga siya! Iyon pa naman ang isa sa mga dream ng mga anak ni Benjie at sinuwerte itong si Kobe.

Ang alam ko, ‘yung school na pag-aaralan ng bagets ‘yun din ang nag-train sa sikat na NBA player na si Jeremy Linn.

Maganda raw ang offer nila nang nakausap ito ni Benjie, kaya kung matutuloy, doon na tatapusin ni Kobe ang high school niya.

Ayaw pa munang pag-usapan ni Benjie kasi magpapaalam pa raw sila sa school at sa team nito. Pero magandang offer ito kay Kobe kaya siyempre grab na nila ito.

Kung maayos na ang lahat, maaring sa susunod na buwan ay aalis na sila pa-Amerika. Sasamahan muna ito nina Benjie at bantayan muna nila doon ng ilang linggo.

Naku! Baka mamaya, sugud-sugurin siya du’n ni Jackie Forster, ha?

Ayaw nang magsalita nina Benjie at ng mga anak nila pagdating kay Jackie dahil okay naman lahat, eh.

Magiging regular na sina Andre at Kobe sa Sunday All Stars. In fairness, magaling sumayaw si Kobe, at si Andre naman ay magaling din sa hosting, kaya nga kinuha siyang mag-VJ sa MTV.

Baka sa susunod na linggo ay gagawin na ang pormal na contract-signing nila sa GMA-7.

 

AT LEAST maayos naman ang mga sinabi ni Sunshine Cruz nang humarap ito sa press nang muli siyang ini-launch bilang endorser ng Ever Bilena nu’ng nakaraang Martes.

Sinabi niyang hindi sila magkaibigan ni Cesar Montano, pero nagkakasundo sila pagdating sa kanilang mga anak.

Sa ngayon, si Cesar pa ang nagbabayad ng upa ng bahay na tinitirhan ni Sunshine, at siya ang nagbayad ng tuition fee ng mga bata.

Pero sabi ni Sunshine, baka magbago raw ngayong maghi-hearing sila uli tungkol sa custody case ng mga bata. Alam ko, ngayong araw ang hearing nila uli na kailangang daluhan nilang mag-asawa.

Iba na ngayon ang tono ng mga pahayag ni Sunshine e. Sure na sure na siyang hindi na sila magbabalikan ni Cesar, kaya inaayos na raw niya ang annulment.

Mag-focus na lang daw siya sa trabaho at sa mga anak nila, pero maganda pa rin ngayon si Sunshine. Kaya baka magka-boyfriend pa ‘yan. Meron na raw umaali-aligid diyan, eh.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang kuwento namin tungkol diyan.

 

MAY MAGANDANG rebelasyon din pala ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa exclusive interview ng Startalk sa kanila.

Mapapanood n’yo bukas ‘yan na kung saan in-interview ni Ricky Lo silang dalawa at mapag-uusapan kung ano ang plano nila sa susunod na taon.

Kaya lang abala pa ngayon si Dingdong sa promo ng Genesis na magsisimula na sa Lunes sa GMA Telebabad.

In fairness kay Marian, pati siya super-promote din sa Genesis ni Dingdong, ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.