Love Compatibility: Knock-out sa Puso (Krista Ranillo – Manny Pacquiao)

Name: Krista Ranillo
Real Name: Cristalle Lauren Tupaz Ranillo
Birthday: December 10, 1984
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer
Ruling Planet: Jupiter
Element: Fire
Strengths: Honest and Forthright, Lighthearted, Intellectual, Have excellent communication skills
Weaknesses: Sharp tongue, Prone to change, Restless, Flirtatious nature

Name: Manny Pacquiao
Real Name: Emmanuel Dapidran Pacquiao
Birthday: December 17, 1978
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer
Ruling Planet: Jupiter
Element: Fire
Strengths: Honest and Forthright, Lighthearted, Intellectual, Have excellent communication skills
Weaknesses: Sharp tongue, Prone to change, Restless, Flirtatious nature

Aminin man natin o hindi, ang tagumpay ng tao ay hindi masusukat lamang sa dami ng naabot sa buhay. Hindi rin sukatan ang pera at anumang uri ng papuri at parangal. Para sa marami, kapag ang isang tao ay iniibig at umiibig, doon natin masasabi na masuwerte ang isang tao kahit na salat sa anumang materyal na bagay.

Ngunit iba talaga itong ating Pambansang Kamao, bukod sa sikat siya, maraming pera at maraming natanggap na parangal, hindi rin siya salat sa pag-ibig! Akalain ninyong bukod sa asawa at pamilya, marami ring nagmamahal sa kanya! Totoo man ito o hindi, at least alam nating may umiibig sa ating kampeon, tulad na lang nitong si Krista Ranillo.

Tadtad man ng intriga at batikos, nakatutuwang isipin na kung saka-sakaling may namamagitan nga sa dalawang taong ito, bagay nga ba talaga sila? Kaya bang labanan ng kanilang… uhurm… pagmamahalan sa isa’t isa ang mga tsismis na sumisira sa kanila? Pagbigyan n’yo na mga kaparazzi, katuwaan lang naman ,eh! Bagay nga ba ang dalawang Sagittarian na ito sa bawat isa o pupulutin lang sa kangkungan ang kanilang pagtitinginan? Alamin natin!

Ang pagsasama ng mga Sagittarian ay isang pambihira ngunit unpredictable na kumbinasyon. Magkakaroon sila ng magandang relasyon at ang excitement sa kanilang dalawa ay hindi mauubos. Pareho silang mahilig maglakbay. Lagi silang naghahanap ng bagong lugar, bagong tao, at bagong adventures.

Ang mga Sagittarians ay may pagka-pilosopikal. Mayroon silang ideolohiyang sinusunod at kapag ang kapareha niya ay hindi kayang sumabay sa mga paniniwala ng isa, maaaring magkaroon ng kaunting pagtatalo sa pagitan nila. At dahil nga sa pareho silang mahilig sa kalayaan, kinakailangang isa sa kanila ay may matalas na pag-iisip at alam ang ginagawa. Ang kanilang direksiyon ang maggagabay sa kanilang dalawa pagdating ng panahon.

Sa kabuuan, ang pagsasama nilang dalawa ay isa sa pinakamagandang pagpapareha na magaganap sa buhay nila. Ang pananaw nila sa hinaharap ay may patutunguhan dahil sila ay perpekto sa bawat isa.

Mukha ngang may dapat ikabahala si Ginang Jinkee Pacquiao pagdating sa napapabalitang pagkaka-link ni Manny sa sexy actress! Hmm… Tadtad man ng intriga at kontrobersiya ang ating dalawang celebrity, hindi maipagkakailang kapag ang puso ay tumibok, knock-out ang lahat ng kokontra!

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.