KMU, Nagprotesta sa DOLE

NAGSAGAWA NG programa ang mga kasapi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.

Ito’y bilang pagkondena sa anunsyo ng naturang ahensya na walang aasahang dagdag-sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa Mayo 1, Labor Day.

May dalang pintura ang mga militante na inaasahang ibabato sa tarpaulin na may larawan nina Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Una nang sinabi ni Baldoz na halos 500,000 trabaho sa Pilipinas at abroad ang kani-lang iaalok sa publiko sa Labor Day imbes na wage increase.

Bukod dito, posible rin aniyang mapagkalooban ng non-wage benefits ang mga manggagawa kung saan makikipagpulong si Pangulong Aquino sa labor groups sa isang almusal sa Mayo 1.

Samantala, pinakahuling wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng National Capital Region (NCR) noong Hunyo 3, 2012 ang P30 dagdag sa arawang sahod sa Metro Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.