Klase, Magbubukas sa June 4 – DepEd

INANUNSYO NG Department of Education (DepEd) ang regular na pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 4 ng taong kasalukuyan sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ang pagtatakda sa naturang petsa para sa pagbubukas ng klase ay inilabas ni Education Sec. Armin Luistro base na rin sa umiiral na DepEd Order No. 26.

Samantala, para naman sa mga pribadong paaralan, sinabi ni Luistro na maaari nilang sundin ang DepEd calendar na may 200 school days o maaari rin silang magtakda ng sariling schedule ng pasukan, basta’t hindi magsisimula ang klase nang mas maaga sa itinakda ng ahensya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.