Stars Candid: Kitkat – Bota Queen

Nagsimula si Kitkat sa pagiging back-up singer at komedyante sa Punchline, Laffline at Metro Bar hanggang ma-discover siya at mabigyan ng role sa Maid in Heaven noong 2004. Si Soraya Ray Lopez Banas o Kitkat ay sumikat sa pagbida niya sa Krystala, Calla Lily, Comics Presents Pedro Penduko At Ang Mga Engkantao at Iisa Pa Lamang. Mapapanood natin siya ngayon sa Comics Presents Nasaan ka Maruja.

May chikang nabuntis nga raw itong si Ate Soraya ng kanyang co-star sa SupahPapalicious na si Vhong Navarro. Well, hindi naman pala siya buntis – nagparetoke lang pala siya! Super proud ang komedyante na pinagawa niya ang dibdib niya kay Dr. Manny Calayan para lumaki ito ng 34b. Hindi pa siya nakuntento at nagpadagdag pa ulit kay Dra. Vicky Belo! Dahil nga maipagmamalaki na niya ang hinaharap niya, mega pose na ang lola niyo sa mga men’s magazines. Siguro naguguluhan na ang mga kalalakihan kung matatawa ba sila o mag-iinit kay Kitkat!

Nahuli ng ating kamerang-gala ang tsinitang komedyante sa Metro Concert Bar noong kaarawan ni Liza Fernandes. Kita n’yo namang handang-handa si Kitkat sa weather ngayon – baha yata sa kanila!

Stars Candid
by Faith Salazar

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.