Kitkat, big deal ang paglalagay ng eyelash extension

Kitkat

Kitkat

Big deal pala kay comedienne-host Kitkat ang eyelash extension.

Feel na feel pala niya na extended ang kanyang eyelashes dahil nakagaganda ito.

Isa pa, kapag may eyelash extension ang isang babae ay bawas time and effort na ang pagpapa-beauty.

“Kasi kapag ganito ka-full na make up ay bawas na rin sa oras mo ng pagpapaganda kasi mata ang matagal gawin so ‘yung mascara lalo na ‘yung pilikmata ay mahirap na itayo nang ganoon, eh,” chika sa amin ni Kitkat sa opening ng Asia’s Lashes sa Timog Aven, Quezon City (harap ng Luxent Hotel).

Say pa ni Kitkat, may advantage ang eyelash extension sa Asia’s Lashes.

“Usually nasasaktan sila. But this time, sa Asia’s Lashes hindi na siya masakit, hindi na siya hard to maintain. ‘Yung dati kasi natitigasan ang mga tao. Ang kaibahan  ng Asia’s lashes ay human hair siya.”

Kasama ni Kitkat si Dimples Romana sa opening.

“Usually, kapag afternoon natatanggal na siya. Ako kunwari natatanggal na nang konti, you have to have them cleared out and then pahinga tapos balik,” say ni Dimples.

“For everybody, hindi lang celebrities, lahat tayong mga babae, especially for the moms and women on the go, we all deserve to look good all the time. You want to be looking good, look great all the time and it’s one of the few beauty hacks na puwede nating gawin is to actually have ‘yung extension ng eye lashes,” dagdag pa niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.