Kitkat, bangungot pa rin ang ex-boyfriend!

NANG MAG-SHOW SI Kitkat sa Javier, Leyte ni Mayor Sandy Javier at Karen Montelibano naikuwento niya ang matinding traumang inabot niya sa kanyang ex-boyfriend. Hanggang ngayon, binabangungot pa rin siya ng nakaraan.

“May araw na hindi ako makatulog, kung minsan nga naglalakad ako sa gabi nang hindi ko alam. Nakakaloka, ‘di ba? Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong gumagastos para mahuli siya. Pero taon na ang binilang, hindi pa rin ma-locate ng mga NBI ang kinaroroon niya. Pinapasa-Diyos ko na lang ang lahat, kikitain ko rin naman ‘yung million na nawala sa akin at mga utang na iniwan niya na binabayaran ko pa rin up to now. Thanks, God! Hindi Niya ako pinababayaan, tuloy-tuloy pa rin ang raket,” say niya.

Masaya’t maligaya ngayon si Kitkat sa piling ng kanyang mga magulang at kapatid. Inamin din ng dalagang nagkamali siya nu’ng time na makipag-live-in siya sa kanyang ex-boyfriend. “Six years kayong nagsama, sino ang mag-aakalang magagawa niya ‘yun sa akin? Luka-luka kasi ako nu’ng time na ‘yun dahil in love,” sambit niya.

Diretsong inamin ni Kitkat na may bagong lalaki nagpapasaya sa kanya. “Dumating siya sa buhay ko na hindi ko inaasahan, kababata ko siya. Nang malaman niya ‘yung nangyari sa akin, pilit niyang inalam ‘yung cell number ko sa mga friends namin at agad niya akong tinatawagan. Pinuntahan niya ako sa bahay para bigyan ng moral support.

“Walang problema sa relasyon namin dahil boto ang pamilya ko sa kanya. Professional at nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya. May posisyon kaya puwede akong buhayin at bigyan ng magandang buhay. Very understanding at alam kong mahal ako, naiintindihan niya ‘yung trabaho. Siya siguro ang reward na ibinigay sa akin ni Lord kapalit nu’ng lalaking nanloko sa akin,” turan niya.

As a performer, bilib kami kay Kitkat. Bukod sa maganda na ang boses, magaling pang humataw on stage sa kanyang mga green jokes na mabenta sa manonood. Hindi ba’t palaging winner ang singer-comedienne sa mga shows here and abroad?

ALLURING LARA MORENA is now a big time movie producer of Fling. Sa Fully Booked sa The Fort ginawa ang kanyang press preview, at sa Italiani’s ang early dinner with the media. Maging ang pocket lunch presscon niya sa Dusit Hotel! Sosyal, ‘di ba ?

“Ang main reason kaya ako nag-produce, para mabigyan ng trabaho ang mga kasamahan natin sa movie industry at makagawa ng makabuluhang pelikula na tatangkilikin ng manonood. Malaki ang naitulong sa akin ng show business, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi sa tulong ni Boss Orly Ilacad (OctoArts Production) na siyang nagbigay sa akin ng break. It’s about time na ako naman ang tumulong sa mga baguhang artistang may potential maging big star like Jacq Yu,” pasimula niya.

Successful ang premiere night ni Lara last Saturday sa SM Megamall with Rafael Rosell and Jacq. After watching the film, the audience enjoyed the modern-day romance that everyone can relate to. Kaya lang, marami ang naiintriga kung bakit walang sexy scene sina Lara at Rafael to think na kailangan sa eksena.

Ipinaliwanag ni Lara na suppose to be may intimate love scene sila ni Rafael sa last shooting day ng binata. Hindi natuloy, kasi gahol na raw sa oras. May mga scenes pa raw na hindi pa nakukunan na kailangang unahin, so, ‘yun ang nangyari.

Very vocal daw si Lara sa pagsasabing crush niya si Rafael kaya niya ito kinuhang maging leadingman nila ni Jacq. Diretso namang inamin ng actress-producer. “Yes, it’s true crush ko si Rafael! It’s not a big deal naman, ‘di ba? Right now, I’m single, he’s also single. So, wala akong nakikitang masama kung sabihin kong crush ko siya, ‘di ba?”

Kahit naudlot ang bed scene nina Lara at Rafael, very erotic naman ang kanilang kissing scene. Nag-aapoy ang kanilang mga labi na pawang sabik sa isa’t isa. You can feel the intensity nilang dalawa. Tsika ni Direk Han Salazar, “Ngayon ko lang sasabihin, kinausap ako ni Rafael kung puwede raw lumabas ang dila niya sa kissing scene nila ni Lara. Sabi ko naman, okey lang, angguluhan ko na lang nang maganda.” Biglang tumawa nang malakas si Lara sa tinuran ni Direk, sabay sabing, “He’s such a good kisser, naramdaman ko… ha-ha-ha!”

Sa kuwento ni Direk Salazar, tipong gustong yatang matikman ni Rafael ang mapanuksong alindog ni Lara. Hanggang ngayon pinagnanasahan pa rin siya ng mga kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Kung sakaling dumating sa point na yayain siya ng actor for one night only, pagbigyan kaya ni Lara ang binata?

“Fling lang, why not? The feeling is mutual, so, go! Ha-ha-ha! Delicious pa rin ang lola mo, marami pa rin ang nagkakagusto,” birong-totoo ni Ms. Lara Morena.

‘Yun na!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Kitkat, bangungot pa rin ang ex-boyfriend!

  1. para naman kasing naloloka pala ang mga reporter eh….bakit naman nila kailangang pakialaman c kaikat eh buhay nya naman un…..qng mag kagulo man cla ng bf nya bahala na xa

  2. saang beerhaus o club nagtatrabaho yan…magaling ba yan…magkano ang service nyan….masarap ba sa kama este kasama yan?

  3. ano ba naman ang mga nakasulat dito? hindi ko kilala ang mga tao na madalas na topic dito. mga artista ba talaga sila??

  4. BAKET ANG HILIG NINYONG MAGSULAT SA MGA LAOS WALANG NAME NA ARTISTA.KAKABORING

  5. Hindi kaya nag produce si Lara Morena ng mga shows at pelikula para lang matikaman ang kanyang pinagpapatasiyahan?

    Eh matanda na siya para sa mga kinukuha niyang leading man. Marami pang dmas maganda at mas sariwa sa kanya para panoorin ng mga taoa ng palikulang ipino produce niya. pag siya alng ang bida ay malulugi siya tiyak pero wagi naman siya at natikman ang mga type niyang lalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published.