Kitkat, ang bagong bilmoko girl! – Eddie Littlefield

EMOTIONALLY, NAKA-MOVE on na si Kitkat sa kanyang traumatic experience sa kanyang dating ka- live-in partner. Kapansin-pansin ang naiibang glow sa mga mata ngayon ng singer/comedienne dahil in love na naman yata.

“Marami ang nagsasabi na blooming daw ako ngayon, masaya naman ako dahil maraming nanliligaw. Love nila ako pero hindi pa ako ready na makipagrelasyon kasi mahirap pa, pero mayroong isang matimbang sa puso ko. May pag-asa kung ‘yon ang itatanong n’yo,” tsika ng sexy comedienne.

Material girl na nga ba ang tawag ngayon kay Kitkat?

“Bili mo ako girl ang intriga ngayon sa akin dahil ang dami kong manliligaw. May nagbigay pa nga sa akin ng cash pambili ng kotse, hindi ko naman tinanggap. Naiisip ko, wala naman siyang pag-asa, hindi siya ‘yung natitipuhan ko, baka umasa pa, ‘di ba?

[ad#post-ad-box]

“Ayaw kong mangyari na porke’t ninakawan ako noon, e, mamemera na ako. Ginawa ko lang namang joke na hindi na ako magpapaloko at ako na ang manloloko, pero joke lang ‘yun.

“Nagkakataon lang na ‘yung mga gift nila sa akin ay nasa level ng Louie Vitton, ‘yung ganu’n.

“Apat lang naman sila, mayroon akong manliligaw na kapitbahay, pinsan ni Melissa Ricks, mayroong din na-meet ko sa Punchline, ganu’n,”paliwanag ng dalaga.

Kung sakaling iibig muli si Kitkat, makikipag-live-in pa kaya siya?

“Hindi na ngayon kasi galing na ako sa live-in relationship. Gusto ko bago kami magsama kasal na kami kasi kung live-in baka ‘yung bibilhin kong alahas makita pa niya, kunin pa niya, ha-ha-ha!” Pa-joke pa niyang tugon.

Sa totoo lang, nagmumura ang beauty ngayon ni Kit, may pinaretoke na naman kaya?

“Wala naman akong binago sa mukha ko ngayon. Noon kasi, wala pa akong dede, wala pa akong ilong, ‘di ba? ‘Yung cheek ko, ginawa rin last year. Nagustuhan ko naman siya,” kuwento pa niya.

“Magpapa-pictorial na ako sa Uno at FHM pero kahit hindi siya cover nasa gitna siya, featured artist kumbaga. Tapos, kasama rin ako sa Your Song nina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo. Ang role ko naman du’n, e, car wash girl na naka-bra at skirt. Kaya mas gusto ko talaga na tawagin nila akong sexy/ comedienne.”

Kung sakaling may mag-offer kay Kitkat ng solo movie, willing ba siyang magpaka-daring sa pelikula? “Okay lang pero huwag namang topless, ‘yung gilid-gilid lang ang makikita, puwede, ha-ha-ha!”

Kahit walang regular TV show ngayon si Kitkat, hataw naman siya sa mga shows abroad.

“Kagagaling ko lang sa Alaska at saka sa California, USA. Nag-concert kami nina Makisig. Tapos, mayroon pa akong shows sa February hanggang March next year sa Europe at Australia,”  aniya pa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Kitkat, ang bagong bilmoko girl! – Eddie Littlefield

  1. hay naku another ruffa mae quinto in the making…kay rufa imaginary bf,kay kitkat nmn imaginary suitor…. maniwala ako na may nagbibigay ng pambili car jan….feeling!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.