Kitchen ni Judy Ann Santos, ginastusan nang husto by Archie de Calma

NAGYAYA SA ISANG salu-salo si Judy Ann Santos sa bagong lovenest nila ni Ryan Agoncillo sa Alabang at may mga nakapunta na nga sa ipinagmamalaki niyang kitchen na ginastusan nang todo-todo.

Sabi ni Juday, ito ang parte ng bahay nila ni Ryan na talagang pinagbuhusan niya ng panahon. Obvious naman dahil talagang mahilig magluto ang aktres at dito niya ramdam na ramdam ang kanyang pagiging misis.

Nagpuntahan na nga raw roon sina G Toengi-Walters at Mylene Dizon, kasama ang kanya-kanyang mga anak. Doon talaga naramdaman ni Juday na iba na ang buhay na tinatahak niya. Hindi na puwede ‘yung bar-hopping na lang, o lalabas pa to chill out. Tama na ‘yung nasa bahay lang siya with friends and relatives.

Hindi lang kitchen-hopping, swimming pool-hopping na raw kasama ang mga anak niya at iba pang bata.

Ini-enjoy rin ni Ryan ang mga pagkaing laging inihahanda ni Juday sa kanya. Si Ryan ang numero unong food critic ni Juday. So far, ayos naman daw sa kusina si Juday at walang palya. Garantisado ito dahil ensayado sa kitchen ang kanyang misis noon pa mang nililigawan niya ito.

Sa tanong kung mayroon nang laman ang tiyan ni Juday, kung buntis na ito, at mabilis ang tugon ni Juday, “Wala pa! Gusto kong pilitin ang sarili ko na may signs ng paglilihi, pero wala pa talaga. Nagdarasal na lang ako.”

Sabi ni Ryan, sa nangyayari na hindi pa sila agad nakabubuo ni Juday, “Walang family planning ito. Sige nang sige hanggang makarami. Ayaw naming isipin ‘yun, kasi, wala pa naman.”

Ani Juday, “’Yung kasal nga, hindi namin plinano, pag-aanak pa kaya?”

Sinusubaybayan ng fans nila ang buhay nila sa George & Cecil sa ABS-CBN. Marami pa raw kaganapan dito at may ipinapakita pa sa trailer na may nabasag na salamin, na parang sign na may mangyayari pang kaguluhan sa buhay-may-asawa na susubaybayan din tiyak ng fans nila.

Nag-time out muna ang dalawa sa marami nilang pinagkakaabalahan para dumalo sa ribbon-cutting sa pormal na pagbubukas ng Piandre, sa Sgt. Esguerra, St., Quezon City noong isang gabi. Regular clients pala ng salon na ito sina Juday at Ryan, at hindi puwedeng sinasamahan lang ni Ryan si Juday roon. Kasi, may services din na panlalaki ang nabanggit na salon, ini-enjoy rin naman ni Ryan kung nagbi-beauty care day si Juday.

Doon nga namin pinagmasdan nang husto sina Juday at Ryan. Walang dudang sa bawat galaw nila, larawan sila ng kaligayahan.

Ibang-iba raw ang buhay nina Juday at Ryan kina George & Cecil. Punumpuno ng drama ang buhay nina Juday at Ryan bilang showbiz couple, pero sa tunay na buhay, happily married couple talaga sila na very light lang ang pagharap sa mga hamon ng buhay.

‘Yung mga character na ginagampanan daw nila ay punumpuno ng kadramahan at comedy ang buhay, na siyang enjoy na pinapanood ng publiko;

“Huwag naman sanang mapunta sa drama ang tunay na buhay namin,” sabi pa ni Juday.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

4 thoughts on “Kitchen ni Judy Ann Santos, ginastusan nang husto by Archie de Calma

Leave a Reply

Your email address will not be published.