Kiray Celis sa halik ni Enchong Dee: “Grabe siyang humalik!”

Kiray Celis & Enchong Dee

Kiray Celis & Enchong Dee

Basta ang peg ni Kiray Celis ay ganda-gandahan lang siya. Bawal mainggit. ‘Pag inggitera ka, bahala ka, pero siya happy.

Kebs sa sasabihin ng madlang pipol na hindi naman siya ganun kagandahan para magilusyon kay Derek Ramsay noon at ngayon ay pantasya naman niya si Enchong Dee, na dahil sa kabaitan nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde ng Regal Films, pinatulan ng dalawa ang ilusyon at pantasya ng batang komedyante.

Yes, kung kumita ang pelikula nina Kiray Celis at Derek na ang mga producers ay hindi ini-expect na maging box-office ang pelikula, this time ay hindi sila nag-atubili or nag-second thought na i-produce ang pangalawang pelikula ni Kiray sa Regal Films na “I Love You to Death” na isang horror-romcom na susubukan ang charm nina Kiray at Enchong Dee sa July 6.

Dahil nakikita naman na maganda ang tambalang Kiray at Enchong, heto’t pinatulan nina Mother Lily at Roselle ang ilusyon ni Kiray.

Sa katunayan, marami ang inggit kay Kiray dahil sa pagiging mapagbigay si Enchong na leading man niya sa movie. Sa kissing scene ng dalawa, “Grabe siyang humalik. Parang ‘pag galing siya ng lower lip, aakyat pa siya ng upper lip,” paglalahad ng komedyante sa kissing scene nila ng leading man na natatawa. Ang tawag namin sa ganu’ng halik ay “sibasib”.

Kahit pabiro, happy si Kiray dahil kung ‘yong iba nag-iinarte pa sa mga nararamdaman nila o gusto sa mga naguguwapuhang mga lalaking artista, si Kiray, wala siyang keber na ipinangangalandakan.

Ang mga puntirya niya, from Derek at ngayon ay si Enchong, ay dalawa sa mga artistang lalaki natin na pinag-iilusyunan ng mga beki at girls.

“How I wish na after itong Enchong movie namin, pagbigyan din ulit ako ni Mother Lily at Ms. Roselle na si Sam Milby naman,” pabirong sabi niya.

“Biro lang yong Sam, ha? Pero mas okey kung totohanin ng Regal,” sabay halakhak ng baklitang komedyante.

Sa pelikula nila ni Enchong, ka-join din ang mga cuties na sina Christian Bables, Paolo Gumabao, at Nico Nicolas.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Kiray Celis sa halik ni Enchong Dee: “Grabe siyang humalik!”

  1. he he si Enchong ha hak grabeng humalik,,hak hak baka grabeng sumupsup,,,,,isa siyang Bekeking tago,,,,hak hak

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.