Kiray Celis, nagka-experience kay Derek Ramsay

Kiray Celis, nagka-experience kay Derek RamsayAng kikay ni Kiray Celis, huh! Ang landi ng hitad!

Maniniwala ka ba na hindi niya alam kung papaano humalik? Sabi niya, ang smack na alam niya ay ang halikan lang nila ni Arjo Atayde sa MMK noong minsang naging mag-partner sila at nagkaroon ng “kissing scene”.

“’Yun lang ang alam ko sa halik. Nakasara ang lips ko at ang lips ng lalaki ididikit lang sa lips ko,” kuwento niya.

Pero hindi niya alam kung anong klaseng halik ‘yong sa kanila ni Derek Ramsay sa rom-com ng Regal Films na pang- Valentine’s Day (February 10), ang “Love is Blind”.

“Kiss ba ‘yun na nakasara ang lips ko at si Derek naman hinuhugot ng lips niya ang lips ko?” tanong ni Kiray na tila first time lang talaga naka-experience ng totoong halik at take note, sa isang Derek Ramsay pa, huh!

Kaya nga almost half of the open forum ay naka-focus sa halik ni Kiray.

Ang landi niya kung mag-react sa isyu ng kanyang kissing scene sa isa sa pinakaseksing male character natin sa showbiz sa kasalukuyan, and no less than ang super sexy na si Derek na pantasya ng halos lahat ng kababaihan.

Sa pag-uurirat ng press kay Kiray Celis, halata na never been touched ang batang komedyante na malamang ay siya ang papalit kina Pokwang at Ai Ai delas Alas.

Yes, never been touched dahil d’i niya alam na ang halik, may kanya-kanyang intensity. Tulad ng kuwento nga niya, ang alam lang niyang halik ay ‘yong ginawa nila ni Arjo.

Na-shock siya sa kiss na iginawad sa kanya ni Derek na pati raw dila nito ay sinusungkit ang labi niya.

Aminado si Kiray na wala siyang boyfriend. Never siyang nagkaroon ng boyfriend dahil ang focus niya ay ang kanyang showbiz career at ang makapagpatayo ng bahay para sa kanyang mahal na mahal na ina.

The good daughter ang peg ni Kiray. Pero sa tipo niya na iba ang humor, malamang, hindi lang ang isang Derek o ‘di kaya’y  Piolo Pascual at Coco Martin ay mabibighani sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Kiray Celis, nagka-experience kay Derek Ramsay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.