Kiray Celis, kinukuyog ng bashers dahil sa modelong si Kirst Viray

INGGIT lang ang umiiral sa bashers ni Kiray Celis dahil nakabalandra ang kanyang “boyfie” na si Kirst Viray na isang model na kasa-kasama niya sa public functions.

Sino ba namang babae ang hindi maiinggit kay Kiray Celis sa pagkakadantay ng kanyang kamay sa hita ni Kirst Viray?

Sa kanyang social media account, si Kiray, proud na proud sa kanyang photo postings, na sa netizens na gusto ang current status ng lovelife ng dalaga na suportado siya, happy ang marami sa kasiyahan na natatamo ngayon ng komedyante.

Guwapo si Kirst, na bukod sa yummy at seksi ang pagiging hunk, super proud si “boylet” na ibandera siya ni Kiray sa public kahit wala pang formal announcement ang dalawa na sila na nga ang magkarelasyon.

Kaya hindi maiiwasan na marami ang mainggit sa komedyante lalo pa’t magtataka sila kung bakit napasakamay ni Kiray si Kirst, gayong marami pang babae ang mas pretty at mas maganda sa komedyante.

Sa katunayan, sa isang showbiz event recently, kasa-kasama ni Kiray si Kirst na matapos na i-post ang picture ng dalawa sa social media account nila,nag-trending sila. Majority sa netizens ay happy at aprub sa “loveteam” nina Kiray at Kirst.

That evening, Kirst played driver kay Kiray sa naturang event, na biro ng dalaga nang tanungin ng media ang estado nila na, “Hindi pa po kami.”

Sa kabila ng pagiging busy ng schedules at commitments ni Kiray, tila hirap ang binata sa pagiging “personal driver cum lover” niya sa rumored girlfriend.

Aminado si Kirst na masaya siya kapag kasama niya si Kiray.

“No dull moment,” sabi niya sa press.

Kaya para sa haters at bashers nina Kiray at Kirst, deadma lang kayo sa dalawa, dahil hindi sila mapapa-react ng mga “nega” sa social media. Hindi kasi nila ito binabasa, na siyang tama!

Nagkakilala sina Kiray at Kirst sa isang film project ni Brillante Mendoza. Doon na nagsimula ang “special friendship” nila na mukhang naitawid ng dalawa into “something special” na kanilang nararamdaman.

Cute, huh!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.