Kiray Celis, binugbog si Hiro Magalona!

SCRIPTED! ITO ang sigaw ng mga taong nanonood ng  PBB Teen Edition ng ABS-CBN dahil daw pinalabas ng mga ito na as in hindi magkakilala ang ilang kabataang pumasok sa bahay ni Kuya na ang katotohanan ay magbabarkada pala.

Laking gulat nga ng mga regular viewers ng reality show nang maglabasan ang litrato ng 2 kabataang nakapasok sa bahay ni Kuya in their happy moments na pinalabas na ‘di magkakilala, pero in real life ay magkabarkada pala.

Pati edad nga raw ng ilang kabataang naririto ay binago rin dahil may isang nakapasok daw na ang edad na nakalagay na 15 years old, pero ang totoo ay 16 or 17 years old na yata ito, ayon sa ilang malalapit na kaibigan nito! ITO ang sigaw ng mga taong nanonood ng  PBB Teen Edition ng ABS-CBN dahil daw pinalabas ng mga ito na as in hindi magkakilala ang ilang kabataang pumasok sa bahay ni Kuya na ang katotohanan ay magbabarkada pala.

 

TOTOO KAYA ang balitang nakalap namin na sa birthday raw ng owner ng F&S Tailors na si Jovan Dela Cruz ay may bugbugang naganap between newest loveteam in town na sina Kiray Celis at Hiro Magalona na parehong magkasama sa The Mommy Returns ng Regal Films.

Ang kuwento, late daw na dumating si Hiro sa nasabing event at hindi na nakarampa sa fashion show at tanging si Kiray lang ang super rampa na ikinatuwa ng mga manonood dahil nagpaka-funny ito at umagaw talaga ng eksena sa rampa.

Usapan daw kasi ng mga ito na maaga silang darating at sabay na rarampa, kaya naman nang rumarampa na si Kiray ay isinisigaw ng mga tao ang “Nasaan si Hiro?” na sinasagot naman nito na “wala pa”.

Kaya naman pagdating na pagdating ni Hiro ay sinalubong ito ng ilang ulit na suntok sa balikat mula kay Kiray na nagalit dahil sa pagka-late nito sabay sabing, “Dapat ‘di ka na pumunta, dahil tapos na ang show!”

Kitang-kita ng mga nakasaksi sa nasabing eksena na napangiwi raw si Hiro habang tumatama ang kamao ni Kiray sa kanyang balikat na marahil ay sa sobrang lakas at sobrang sakit. Pero after ng bugbugan ay sweet na sweet na nag-usap at magkasama ang dalawa. ‘Yun na!

 

SPEAKING OF F&S Tailors, naging matagumpay ang naging selebrasyon ng brilliant mind sa magagandang creation ng mga kasuotang gawa ng F&S Tailors na si Jovan Dela Cruz na sinuportahan ng Joel Cruz Signatures, Aficionado Germany Perfume, Glutamax, atbp.

Kung saan dumalo din ang ilan sa mga endorsers ng F&S Tailors na sina Kristoffer Martin, Hiro Magalona, Teejay Marquez, Kiray Celis, DJ Joph, Gerald Santos, Rap Salazar, Gleenette Gadi, Makisig Morales, Sophia Montecarlo, EJ , UPGRADE, Monterozo Twins, Mr. German Moreno, John Nite, Johnna Chu Chu, atbp.

Dumalo rin ang TV5 princess na si Eula Caballero, habang rumampa naman ang piling-pili at nagguwa-guwapuhang basketball players mula sa iba’t ibang eskuwelahan suot-suot ang mga bagong creation ni Jovan Dela Cruz.

 

WALANG PAGSUBOK na inaatrasan si Aga Muhlach. Lumangoy na ang tanyag na aktor kasama ng mga butanding sa Sorsogon at nilabanan niya rin ang matinding lamig ng Alaska. Pagdating sa paghahatid ng mga kapanapanabik na mga adventure, si Aga ang maaasahan ninyong kasama.

Ngayong Linggo sa Pinoy Explorer, panibagong adventure ang gagawin ni Aga sa pagpunta niya sa Batanes. Dito ay papasukin niya ang Torongan Cave sa Itbayat Island – ang pinakahuling isla sa hilaga ng Pilipinas na may naninirahang mga tao.

Mula sa Itbayat Island, tutungo si Aga sa isla ng Sabtang. Dito makikilala ni Aga si Noli Gabilo, isang dating mangingisda na ngayon ay isa nang tanyag na photographer. Expert si Noli sa pagkuha ng travel photos at ang mga kuha niya ng Batanes ang madalas na nakikita natin sa mga websites at magazines. Dadalhin ni Noli si Aga sa bayan ng Savidug, kung saan marami pang nakata-yong stonehouses – ang tipikal na tirahan ng mga Ivatan. Isang pagtatanghal ng sayaw na Palo-Palo ang gagawin ng mga kabataang Ivatan at hindi pahuhuli si Aga sa mga ito!

Siksik na kasayahan at impormasyon ang hatid sa inyo ng Pinoy Explorer. Abangan ang kakaibang paglalakbay ni Aga sa Batanes Islands ngayong Linggo, Abril 22, 6:30PM sa TV5.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Kiray Celis, binugbog si Hiro Magalona!

  1. TWEEN HEARTS THE BEST!!!!!!!!!!!!!!!!SINO BA ANG TATALO SA ALICE BUNGISNGIS?……….ANG GAGANDA AT GUAPO YATA NG MGA TEEN STARS NG GMA!!!!!!!!!!!!!!!!!PBB AS “PURO BULOK AT BUGOK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!………..BWAHAHAHAHAHAHA

  2. ang baklang writer na to kung anong pagkaiingit sa ppb teens at sinisiraan na lang… hoy mas may dating pa cguro ang pbb teens kaysa tween hearts mo na mga baduy PWE

  3. ganda talaga ng lola kiray hahaha… go go girl.. tuloy ang fantasya haha…eto naman pbb na yan.. hay naku, sayang lang oras kong panoorin itong basurang palabas na to… puro pagpapa-cute ang alam ng mga teeenmates na yan… RUBBISH na show talaga !!!!

  4. yah galing GMA 7 yung Kit na ang sabi 15 yrs old na and the other one Ryan mga talent ng GMA 7..yung ryan nag kakalat ng kalibugan sa loob ng bahay ni kuya,almost 2 weeks plng e me kalambunchingan na sa loob c Kharen…hahahahaha

  5. “Pero after ng bugbugan ay sweet na sweet na nag-usap at magkasama ang dalawa. ‘Yun na!” ano tong eksenang ito? parang sa mga romantic movies na after ng MU, may lambingan corny effect? kung totoo man ang nangyari, ang haba ng hair mo ate kiraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!! hahahahahahaha. sa itsura mong yan at itsura ni hiro magalona? love is blind teh! hahahahahaha. ikaw na teh kiray, ikaw na ang may matinding appeal! hahahahahaha

    .

    yang pbb na yan, parang rehab ng mga teens, anjan yung nagrebelde, maagang namuhay adult, at kung anu ano pa! pero isa man sa kanila, tingin ko, hindi magiging next kim chui. kalat na nga sa facebook yung tatlong housemates na magkakakilala na at iisa lang ang mga manager.

    .

    kahit ano pang positive feedback sa pagsabak sa pulitika ni aga. ang npoint eh, wala syang alam sa pulitika at nasulsulan lang para tumakbo. tau-tauhan, robot lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.