Kiram, Nagdeklara ng Ceasefire

NAGDEKLARA NG ceasefire si Sultan Jamalul Kiram III epektibo alas-12:30 kahapon kaugnay ng krisis na nagaganap sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay Abraham Idjirani, tagapagsalita ni Kiram sa harap ng media, ginawa ng Sultan ang deklarasyon sa harap ng pagkasawi ng mga tauhan nito sa patuloy na opensibang isinasagawa ng Malaysian troops kung saan 40 na ang namatay at mayroon pang mga inaresto.

Nanawagan ito sa kanyang mga tauhan na umiwas pero manatiling nakadepensa sa mga kalaban.

“His Royal Highness Sultan Jamalul Kiram III calls his brothers to initiate evasive and defensive posture. This is not only to his brothers including to those who volunteered and sacrificed this lives for the cause of the Sultanate of Sulu.”

“This is in view of the reported massacre committed by the Malaysian authority against 40 innocent civilians in Tandou, Lahad Datu yesterday, some of them were brought to jail of which the newly born child died in the prison cell.”

Samantala, umaasa ang Sultanato ng Sulu na sa pag-dedeklara ng ceasefire, hindi na kakalat pa ang kaguluhan sa Sabah.

Umaasa rin ito na tutugunan ng Malaysia ang kanilang deklarasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.