Kiram, May Dagdag Puwersa Kontra Malaysian Forces

KINUMPIRMA NG pamunuan ng Sultanato ng Sulu na may mga armadong kababayan mula sa Western Mindanao ang tumungo ng Sabah para saklolohan ang grupo ni Raja Muda Kiram laban sa patuloy na operasyon ng Malaysian Forces.

Ayon kay Abraham Idjirani ang spokesman ng Sultanate of Sulu, ang mga tumungo na kawal sa Sabah para tulungan ang Royal Armies ng Sulu Sultanate ay mga sympathizer mula sa Sulu, Basilan at Tawi-tawi na galit sa Malaysian forces dahil dinadamay ang mga sibilyan sa Sabah sa kanilang operasyon.

Maaalala na nasa 5,000 Pinoy na ang nagsilikas mula Sabah at umuwi ng Western Mindanao kung saan ilan sa mga ito ay biktima pa ng pagmamalupit ng Malaysian forces.

Hindi na tinukoy ni Idjirani ang eksaktong bilang ng mga armadong grupo na tumungo ng Sabah, bagama’t una nang sinabi ng MNLF na umaabot ng 1,000.

Kasabay nito ay ini-report ni Idjirani na nagkaroon na naman ng sagupaan sa pagitan ng grupo ni Kiram at Malaysian forces kung saan walang casualties sa panig ng Sultanate armies habang marami aniya ang casualties sa panig ng Malaysian authorities.

Samantala, nananatiling buhay raw si Raja Muda Kiram, kung saan pinaninindigan na hindi aalis ng Sabah hangga’t hindi kinikilala ng Malaysian government na ancestral land ng Sultante of Sulu ang nasabing lugar.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.