Kiram Group, Watak-watak Na

MULA SA mahigit 200 armadong grupo, tinatayang nasa 50 na lamang umano ang natitirang miyembro ng Sulu Royal Army sa bayan ng Lahad Datu sa Sabah.

Sinabi ni Sabah Police commissioner Datuk Hamza Taib na kanila na umanong na-secure ang mga lugar ng Kampung Tanduo at Sungai Nyamuk na tinuturing na “red zone areas” mula sa grupo ni Rajah Muda Kiram.

Samantala,  patuloy ang paggalugad ng kanilang security forces sa lugar para sa posibleng mga “booby traps” na iniwan ng mga kalaban.

Sa ngayon, sunod naman umanong target ng Malaysian troops ay ang area ng Tanjung Batu.

“We cannot confirm their whereabouts as yet, but we will track them down, be it in or out of the operation areas.”

Simula nang maglunsad ng all-out attack ang pamahalaan ng Malaysia laban sa grupo ni Kiram, nasa 104 katao na ang inaresto ng mga kinauukulan sa area.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.