Kinutyang ‘di na tumatayo si ‘manoy’ Pikon na amo, binoga ang kasambahay

CEBU CITY – KRITIKAL ang lagay ng isang labandera, matapos itong barilin ng kanyang 78-anyos na amo sa Brgy. Gun-ob, siyudad ng Lapu-lapu sa Cebu.

Kinilala ang biktima na si Chona Cantilla, 48-anyos, residente ng nasabing lugar.

Napikon ang suspek na si Lorito Ycong, matapos itong kutyain ng kanyang labandera na hindi na umano tumatayo si ‘manoy’, ayon kay PO1 Franklin Bulacya sa homicide section ng Lapu-lapu City Police Office (LCCPO).

Sa labis na pagkainis, kumuha si Ycong ng .38 caliber revolver at binaril ang biktima sa kanyang mukha.

Sumaklolo naman ang mga kapitbahay matapos ang nasabing insidente at dali-daling dinala ang biktima sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Sumuko na rin ang suspek sa mga pulis at kasalukuyang nakapiit sa Lapu-lapu City detention cell. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.