KINUNSULTA NA RAW ng isang TV host-comedian ang kanyang abogado sa kasong isasampa niya laban sa isang reporter na nagsulat na pinagtaguan umano niya ang mga nangaroling sa kanya sa set ng isang sitcom.

KINUNSULTA NA RAW ng isang TV host-comedian ang kanyang abogado sa kasong isasampa niya laban sa isang reporter na nagsulat na pinagtaguan umano niya ang mga nangaroling sa kanya sa set ng isang sitcom. Ayon sa TV host-comedian, paano raw nangyaring nagtago siya, samantalang siya pa nga raw ang nangolekta ng perang ibibigay sa grupo ng mga reporter-caroler?

In fairness to him, isa sa mga iniulat na cash donor para sa idinaos na Christmas party ng isang sama-han ng mga showbiz writer ay ang TV host-comedian na ito. And take note, his was a hefty cash donation. Kinabog ang dalawang sakong bigas ng isa ring TV host-comedian na si Teri Onor!

Pero para idemanda pa ng TV host-comedian ang isang reporter, dalawang bagay. Una, mas-yadong OA ang legal action ng hitad. Idinepensa na niya ang kanyang sarili, naisulat na sa diyaryo ang panig niya, so bakit may abogado pa siyang nalalaman?

Pangalawa, minsan nang nagbanta ang TV host-comedian na ito na mag-dedemanda ng dalawang reporter noon. Gimik lang pala ‘yon ng hitad para i-promote ang kanyang Valentine show noon! May indie film na ginagawa ang hitad this Valentine month, kaya walang nabago sa gimik niya.

Story, like history, repeats itself. ‘Teh, ibahin mo naman ang drama mo, and you had better be honest. Don’t lie to us!

(Ronnie Carrasco)

Related Post

loading...

One thought on “KINUNSULTA NA RAW ng isang TV host-comedian ang kanyang abogado sa kasong isasampa niya laban sa isang reporter na nagsulat na pinagtaguan umano niya ang mga nangaroling sa kanya sa set ng isang sitcom.

Leave a Reply

Your email address will not be published.