Kinumpiska ng BOC, gamitin sa relief operations

HINIKAYAT NI Vice President Jejomar Binay ang Department of Finance (DoF) para ipalabas ang mga nakumpiskang produkto ng Bureau of Customs (BOC) para gamitin sa relief operations sa mga nasalanta ng habagat.

Base sa sulat kay Finance Sec. Cesar Purisima, sinabi ng bise presidente na malaking tulong ito sa mga biktima ng baha sa nakaraang mga araw.

Kabilang sa hinihiling ni Binay ang bigas, food items, damit at ibang kagamitang nakumpiska ng nasabing ahensiya.

Partikular dito ang 420,000 bags ng illegally-imported rice mula sa India at 45,000 bags mula sa Vietnam.

“In view of the devastation caused by torrential rains in Metro Manila and nearby provinces, I recommend we take immediate steps to release rice, food items, clothing and other similar items seized by the Bureau of Customs to the concerned government agencies for immediate distribution to the evacuees,” bahagi ng sulat ni Binay kay Purisima.                         (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.