Kinumpirmang nakalabas na sa rehab ang ex-bf
Jessy Mendiola, gustong makita’t makausap si JM de Guzman

JM-de-Guzman-Jessy-MendiolaSA PAKIKIPAG-USAP namin kay Jessy Mendiola, kinumpirma ng aktres na sa pagkakaalam niya ay nakalabas na mula sa rehab ang ex-boyfriend na si JM de Guzman.

Wala na silang komunikasyong dalawa kung saan hiningan lang siya ng greetings noong Setyembre ng pamilya ng aktor dahil kaarawan nito, ayon kay Jessy kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niya ring magtagpo ang landas nila ni JM at magkumustahan.

“Welcome back,” ang unang salitang sasabihin ‘pag nagkita na sila ng ex, positibo ang aktres na makababalik sa showbizness si JM kung gugustuhin nito, dahil naniniwala siya sa kakayahan at galing nito bilang isang aktor.

May nakarating ding balita sa amin na ilang buwan na raw ang nakalilipas ay nakita ng isang kaibigan si JM kung saan sabay silang magwi-withdraw. Sa deskripsyon ng aming kaibigan, medyo pumayat nang makita niya si JM, pero mukhang maayos naman ito.

Sa interview namin kay Jessy, natanong din namin ang balitang masugid na panliligaw sa kanya ng kapareha sa Maria Mercedes na si Jake Cuenca, kung saan balita na niregaluhan siya ng boots. ‘Di naman itinago ng aktres na niregaluhan nga siya ng sapatos ng kapareha at bukod dito ay mahilig talagang sopresahin siya ni Jake at bigyan ng mga regalo.

Hindi nararamdaman na nanliligaw sa kanya ang aktor dahil sa pagod sa halos araw-araw na taping at trabaho, sa nakikita namin kay Jessy ay nakapokus talaga ito sa kanyang career at hindi pa talaga ito handa na pumasok sa panibagong relasyon.

 

MATATAPOS NA pala ang kontrata ni John Lapus sa Viva sa Abril sa susunod na taon, pero hindi natupad ang nakasaad sa kontrata niya na gagawa siya ng dalawang pelikula na maglo-launch sana sa kanya bilang bida.

Makahulugan ang salita ng komedyante na natutuhan na lang niya na huwag na lang umasa para ‘di siya masaktan, nagpapasalamt na lang si Sweet na ‘di siya nababakante sa mga trabahong binibigay sa kanya ng ABS-CBN at ng Star Cinema.

Kagagaling lamang ni Sweet mula sa ibang bansa, kasamang nag-show roon ang mga leading man ng ABS-CBN tulad nila Enchong Dee, Xian Lim, Gerald Anderson, Rayver Cruz. Abala rin si Sweet sa taping ng Mirabella na pinagbibidahan naman ni Julia Barretto.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Kinumpirmang nakalabas na sa rehab ang ex-bf
Jessy Mendiola, gustong makita’t makausap si JM de Guzman

Leave a Reply

Your email address will not be published.