Kinsa siya? Sino itong singer na nagtaray sa isang event dahil hindi makadaan sa dami nang nagkagulong fans at media sa isang sikat na celebrity?

Kinsa siya? Sino itong singer na nagtaray sa isang event dahil hindi makadaan sa dami nang nagkagulong fans at media sa isang sikat na celebrity?

Well, ganito ang nangyari ayon sa aming very reliable source. Patapos nang magsalita sa entablado ang sikat na celebrity nang dumating itong singer na imbitado din sa event. Tiyempong palabas na si Sikat na Celebrity at siya namang pagpasok ng singer. Dahil hot item si Sikat na Celebrity, pinagkaguluhan siya ng fans at media, pati na ang mga security ay nakipagkarera na rin sa pagbantay sa kanya.

Itong si Singer ay naipit sa rami ng tao, kaya naman nagtaray na ito. At ayon sa aming source, nagsalita raw ito nang “Mananapak ako!” or words to that effect.

‘Kaloka, huh!Sana hindi na lang sumabay si Singer sa paglabas ng Sikat na Celebrity dahil talagang pagkakaguluhan ito kaysa sa kanya. ‘Yun na!

(Arniel Serato)

loading...

2 thoughts on “Kinsa siya? Sino itong singer na nagtaray sa isang event dahil hindi makadaan sa dami nang nagkagulong fans at media sa isang sikat na celebrity?

Leave a Reply

Your email address will not be published.