KINSA SIYA? SINO itong isang singer na may gig sa ‘di kalayuang probinsiya ang hindi raw binigyan ng pangkain ang kanyang make-up artist?

KINSA SIYA? SINO itong isang singer na may gig sa ‘di kalayuang probinsiya ang hindi raw binigyan ng pangkain ang kanyang make-up artist? Kuwento ng aming source, ipinatawag ng singer ang make-up artist at pinasunod sa kanyang gig sa may ‘di kalayuang probinsiya. So may-I-bus travel naman itong si make-up artist.

Pagdating sa venue, minuk-apan agad ni baklush ang singer para maging handa na ito sa kanyang performance galore. Tom Jones na si make-up artist nang matapos niyang sinimento ang mukha ni singering. Pero ang ending, nagbayad lang ito sa kaukulang serbisyo niya as make-up artist. Hindi nito ni-reimburse ang ipinamasahe sa bus ng make-up artist, pati pangkain, hindi ito binigyan. Hindi na lamang kumibo itong si make-up artist at nangako ito sa sariling hindi na mu-ling seserbisyuhan si singering.

(Arniel Serato)

loading...

One thought on “KINSA SIYA? SINO itong isang singer na may gig sa ‘di kalayuang probinsiya ang hindi raw binigyan ng pangkain ang kanyang make-up artist?

  1. Ang bad naman ng singer na yan.Walang konsensya at awa sa make up artist. Hoi singer girl, mag asal nice ka naman sa kapwa mo..

Leave a Reply

Your email address will not be published.