KINSA SIYA? PRESSCON noon ng isang come-backing drama actor sa isang restaurant sa bandang Quezon City.

KINSA SIYA? PRESSCON noon ng isang come-backing drama actor sa isang restaurant sa bandang Quezon City. Habang hindi pa nag-start ang pormal na question and answer portion, todo-interview na ang ibang mga TV crew sa dramatic actor. Malapit nang matapos ang interview portion ng mga TV crew nang dumating ang staff ng isang talkshow mula sa isang sumisikat na istasyon. Hindi gakey, as in gaka (gatecrasher) ang nasabing TV crew dahil imbitado sila sa nasabing presscon kahit na taga-ibang istasyon pa itong si dramatic actor.

Kinausap ng segment producer si dramatic actor upang makapag-interview rin sila. Hindi naman nagtanung-tanong pa si dramatic actor at pumayag na nga itong iupo para sa interview. Nang magsimula nang magtanong ang segment producer, napansin ni dramactic actor ang microphone I.D., biglang itinigil ni actor ang tanungan dahil bawal daw.

Naku nga, hindi naman show ng istasyon ang kanyang ipino-promote kundi ang kanyang album (ay, singer din pala si dramatic actor). Sa ngayon, patapos na ‘ata ang kontrata ni dramatic actor cum singer din pala sa kanyang istasyon. Nagbalik na din si dramatic actor cum singer sa kalinga nang kanyang manager na noon ay nakaalitan niya dahil sa usapin ng karaketan.

Minsan ay nakausap ng isang sikat na personalidad ang manager ni actor at halatang nagpaparinig itong baka lumipat ito sa istasyong hindi pinagbigyan ng dramatic actor ng interview!!!

Kinsa Sila? Sino itong sikat na loveteam na pinagdududahang may relasyon na ring namagitan sa kanila ang nakitang nag-check-in diumano sa isang hotel sa Tagaytay? Ang buong kuwento, abangan!!!

(Arnel Serato)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.