KINSA siya? Nakawiwindang ang kuwentong ito. Minsan daw sa isang comedy bar, kung saan nakatakdang mag-perform ang isang beteranang komedyana, nagkaroon ng medyo hindi magandang pangyayari dahil sa diumano’y inalipusta ng beteranang komedyana ang isang not-so baguhang stand-up comedian.

KINSA siya? Nakawiwindang ang kuwentong ito. Minsan daw sa isang comedy bar, kung saan nakatakdang mag-perform ang isang beteranang komedyana, nagkaroon ng medyo hindi magandang pangyayari dahil sa diumano’y inalipusta ng beteranang komedyana ang isang not-so baguhang stand-up comedian.

Ayon pa sa kuwento ng aming source, kasunod na magpe-perform sa not-so baguhang stand-up comedian ang beteranang komedyana, pero medyo nag-enjoy pa ang mga tao sa not-so baguhang stand-up comedian kaya medyo napalagpas sa naka-takdang set ang stand-up comedian. Pinalakpakan nang husto at maraming natuwa sa performance ng stand-up comedian.

At nang sumalang na ang beteranang komedyana, hindi niya napatawa at hindi nag-enjoy nang husto ang mga manonood sa kanya. May tatatlo o iilan lamang sa audience ang medyo natuwa sa kanyang performance, pero hindi ito ikinatuwa ng komedyana. Ang da height, may isang tao pa sa audience na nagsabing lumayas na lamang siya sa stage dahil walang kuwenta ang kanyang performance.

Pagkatapos mag-set ng beteranang komedyana, dinuro-duro niya ang baguhang stand-up comedian dahil daw masyado nitong ginalingan ang kanyang performance at lumagpas ito sa takdang oras ng kanyang pagsi-set. Nakakaloka ang beteranang ko-medyanang ito.

(Arniel Serato)

loading...

One thought on “KINSA siya? Nakawiwindang ang kuwentong ito. Minsan daw sa isang comedy bar, kung saan nakatakdang mag-perform ang isang beteranang komedyana, nagkaroon ng medyo hindi magandang pangyayari dahil sa diumano’y inalipusta ng beteranang komedyana ang isang not-so baguhang stand-up comedian.

Leave a Reply

Your email address will not be published.