KINSA SIYA? NAKALULUNGKOT naman ang kuwentong ito. Isang young actor daw, natutulog at siyempre nakikigi-sing daw sa bahay ng isang bading na director. Madalas daw makitang magkasama si direk at si young actor ngayon sa mga lakaran.

Ang sabi ng iba, baka raw may ginagawang proyekto itong si young actor sa bading na director. Pero pagtataas ng kilay ng aming kaibigan, parang may ‘something’ daw na namamagitan between direk at young actor.

Ang sitsit naman ng isa naming kaibigan, ‘di ba may isa pang gay benefactor daw itong si young actor, paano kaya niya nalusutan ang mga matatalas na mata ni Angelita nitong isa pang gay benefactor na may pera rin talaga?

Or hindi lang talaga naghinala ang unang gay benefactor sa young actor sa kung anuman ang meron sila ng pangalawang gay benefactor dahil gusto nitong magkaroon ng proyekto si young actor?

(Arniel Serato)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.