KINSA Siya? Nakalulungkot ang kuwentong ito mula sa kasamahan sa trabaho. Hindi kasi niya inakalang sumabak na rin sa ‘booking business’ ang isang guwapong primetime actor na wholesome pa naman ang image.

KINSA Siya? Nakalulungkot ang kuwentong ito mula sa kasamahan sa trabaho. Hindi kasi niya inakalang sumabak na rin sa ‘booking business’ ang isang guwapong primetime actor na wholesome pa naman ang image. Kuwento ng aking kaibigan, meron daw siyang source mula sa isang bansa na malapit lang sa Pilipinas. Diumano, nakita niya itong wholesome na primetime actor sa kuwarto ng isang hotel sa nasabing bansa kasama ang isang rich gay benefactor.

Nagtatrabaho bilang bellboy ang Pinoy source ng aking kaibigan at minsan daw ay nag-room service siya sa kuwarto ng actor at nang pumasok na siya ay nagulat siya na may kasama ang wholesome primetime actor na isang bading. Nabigla rin ang wholesome primetime actor na nadatnan ng bellboy ang rich gay benefactor sa kanyang kuwarto kaya ang ginawa nang actor ay nag-tip-tsina ito sa bellboy ng dollars ha, as in 100 U.S. dollars. Bongga ha! Hindi siya kuripot kung mag-tip.

Pero, dama ng aking kaibigan na kaya ganu’n kalaki mag-tip itong si wholesome primetime actor ay para manahimik at itikom ang kanyang bibig. Hindi akalain ng wholesome primetime actor na matabil itong Pinoy bellboy at ikinuwento ang kanyang nasaksihan.

Nakakaloka ang kuwentong ito dahil sobrang sweet itong wholesome actor at hindi ito makikitaan na gagawa rin pala ng milagro at wais ha, sa ibang bansa pa nagpa-booking.

(Arniel Serato)

Related Post

loading...

One thought on “KINSA Siya? Nakalulungkot ang kuwentong ito mula sa kasamahan sa trabaho. Hindi kasi niya inakalang sumabak na rin sa ‘booking business’ ang isang guwapong primetime actor na wholesome pa naman ang image.

Leave a Reply

Your email address will not be published.