KINSA SIYA? NAKAKATUWA ang kuwento ng aming very ‘unimpeachable’ source sa isang kasalan na kanyang dinaluhan.

KINSA SIYA? NAKAKATUWA ang kuwento ng aming very ‘unimpeachable’ source sa isang kasalan na kanyang dinaluhan. Agaw-eksena daw itong former beauty queen sa pictorial ng bagong kasal.

Ang kuwento, pagpasok sa garden ng bagong kasal sa hotel kunsaan gaganapin ang reception, siyempre, pictorial daw muna ang newlyweds para naman may souvenir sa hotel. Abalang-abala ang mga photographers sa pagkuha ng mga litrato sa  bagong  kasal  nang  napansin   ng  aming source na sa kabilang banda ng garden, itong si former beauty queen ay litrato nang litrato sa kanyang sarili.

May eksena pang para siyang model at nakatayong paseksi na humawak sa  puno  ng niyog na parang nang-aakit. Tawanan ang mga nakasaksi ng eksena ng former beauty queen dahil hindi talaga siya tumigil hangga’t hindi rin natapos ang pictorial ng mga ikinasal.

(Arniel Serato)

Related Post

loading...

2 thoughts on “KINSA SIYA? NAKAKATUWA ang kuwento ng aming very ‘unimpeachable’ source sa isang kasalan na kanyang dinaluhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.